Author
-Mer Layson
Manila, Philippines – May 7.3 milyong bata sa bansa ang out-of-school youth, bunsod na rin umano ng patuloy na nararanasang kahirapan sa buhay at pagtaas ng ma trikula sa iba’t-ibang mga paaralan, partikular na sa mga kolehiyo at unibersidad.
Sa datos ng Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR), sa kabuuang 7.3 milyong bata na hindi pumapasok sa mga paaralan ay 3.3-milyon ang nasa edad na 12-taon pababa, habang apat na milyon naman ang 12-taon pataas.
Sinasabing napipilitan ang mga itong tumigil sa pag-aaral upang maghanap ng kahit anong trabaho para makatulong sa kani-kanilang mga pamilya.
PATINTERO

CHILD LABOR: CHILDREN PLAYING IN REALITY

Ayon kay DepEd NCR Director Rizalino Rosales, pinipilit naman nilang hikayatin ang mga out-of-school youth na magbalik sa paaralan sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ng pamahalaan.
Gayunman, sadya umanong mahirap at malaking pagsubok para sa kanila na kumbinsihin ang mga bata na mag-aral muli.
Nabatid na taun-taon ay lumolobo ang bilang ng mga batang hindi nag-aaral dahil sa patuloy na pagtaas ng matrikula o kaya’y kung pumapasok man sa paaralan ay biglang natitigil sa gitna ng school year dahil hindi na matustusan ng kanilang mga magulang ang kanilang mga pangangailangan papunta sa eskuwelahan, tulad ng baon araw-araw, pamasahe at pagkain.
Mga Epekto ng kakulangan sa pag-aaral sa ating lipunan
Isa sa mga epekto nito sa ating lipunan ay ang kahirapan. Marami ngayon ang naghihirap dahil hindi makahanap ng matinong trabaho dahil sa kakulangan ng pagaaral. May mga batang napipilitang mag nakaw upang silay makakain lamang sa isang araw ang iba naman ay nangangalkal ng basura umaasang mayroon silang makakain sa araw na iyon.
Isa pang epekto nito ay ang pagkapit ng marami sa patalim. Marami ang gumagawa ng ilegal upang sila ay may iuuwing pagkain sa kanilang pamily. May mga bata ring nalululong sa masamang bisyo mga nagtitindi ng ipinagbabawal na gamot upang sila ay may pang araw-araw.
Lahat ng ito ay epekto ng kakulangan sa pagaaral. Kaya lalong tumatas ang crime rate ng ating bansa dahil hindi nagagabayan ang karamihan sa kabatan ngayun sa ating bansa. Kaya saludo ako sa mga teacher na tumatawid ng mga ilog umaakyat ng mga bundok upang makapagturo. Sa mga magulang naman kailangan nilang pagaaralin ang kanikanilang mga anak upang hindi sila malihis ng landas at mabawasan ang crimen at ang mga pamilyang naghihirap.